Tubig sa kalaliman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tubig sa kalaliman o kilala sa katawagang water table sa Ingles, ay ang daluyan ng tubig sa ilalim ng lupa na dumadaan sa maraming filter o salaan gaya ng bato, lupa, buhangin at ugat ng mga punongkahoy. Mula sa mataas na bahagi ng lupa patungo sa kapatagan hanggang makarating sa lawa,ilog,bukal,saluysoy/spring at sa malawak na karagatan. Ang daluyan ng tubig na ito ay mahalaga para sa lahat ng pangkat ng buhay sa lupa sa dahilang ito ang nagpapanariwa sa vegetation o sibol na halaman sa kapaligiran na tumutustos sa pangangailangan ng nilalang sa lupa. Ang daluyang ito ay nangangailangan ng pangangasiwa upang mapanatiling buhay ang agos at malinis ang tubig na dumadaloy dito. Ang reforestation o muling pagtataguyod ng kagubatan ay siyang pangunahing mahalagang hakbang upang mapanatili ito at gayon din ang pagpili ng wastong dako ng tatayuan ng mga bahayan ay dapat isaalang alang upang mapanatiling malinis o dalisay ito para sa lahat ng nakikinabang ngayon at sa darating na mga panahon (pangangasiwa ng kalikasan-tubig).



HeograpiyaKalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.